Ni Kriztell Austria
MAS pahihigpitin ng US ang seguridad nito lalo na sa nalalapit na inagurasyon ni Joe Biden.
Nasa 15,000 na national guard troops ang tutulong upang pahigpitin ang seguridad.
Ayon kay Acting Head of the Department of Homeland Security Chad Wolf, inatasan nito ang US Secret Service na simulan na ang operasyon para sa pagbabantay sa inagurasyon ngayong Miyerkules, anim na araw bago ang mismong araw ng panunumpa ni Joe Biden.
Samantala, ayon kay Biden, hindi siya natatakot na manumpa sa labas ng US Capitol.
Inaasahan na manunumpa sa labas ng capitol si Joe Biden at Kamala Harris sa kabila ng sumiklab na kaguluhan.