Ni Arjay Adan
BUMAGSAK ang pagdating ng mga turistang banyaga sa bansa ng nasa 83.97% noong nakaraang taon dahil sa ipinatutupad na travel restrictions bunsod ng COVID-19 pandemic ayon sa Department of Tourism (DOT).
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, dahil sa entry restrictions, nakatanggap lamang ang bansa ng 1,232,956 na foreign visitors mula Enero hanggang Disyembre 2020 kumpara sa 8,260,913 sa kaparehong panahon noong taong 2019.
Ani Puyat, dahil dito ay bumaba rin ng nasa 83.12 porsyento ang kita mula sa mga inbound tourism sa 81.40 billion pesos mula 482.16 billion pesos noong 2019.