Ni Karen David
UMABOT na sa 94 percent o 26,938 ang mga gumaling sa COVID-19 sa Quezon City hanggang kaninang alas 8 ng umaga.
Ito ay mula sa 28,572 na kabuuang bilang ng nagpositibo sa sakit sa lungsod.
Ayon sa QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), 857 ang kumpirmadong active cases sa Quezon City.
Umakyat naman sa 778 ang bilang ng mga nasawi dahil sa nakahahawang sakit.
Samantala, makikita pa rin ang daily COVID-19 case update ng bawat barangay sa lungsod sa website ng city government.