Ni Karen David
NASA 25 porsyento lang sa mga residente sa Metro Manila ang handa na magpabakuna kontra COVID-19 batay sa isinagawang survey ng UP OCTA Research Group.
Ayon din sa survey, nasa 28 porsyento ang nagsabing hindi sila magpapabakuna habang 47 porsyento ang hindi pa tiyak kung magpapabakuna sila o hindi.
Samantala, ang non-commissioned scientific poll ay isinagawa face-to-face sa 600 respondents mula Metro Manila na may edad 18 pataas mula Disyembre 9 hanggang 13, 2020 at may sampling error na ±4%.