Ni Arjay Adan
IPINAHAYAG ni Labor Secretary Silvestre Bello III na higit 50,000 manggagawang Filipino sa abroad ang naturukan na ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Bello, nasa 50,000 hanggang 60,000 na OFWs na ang nagkansela ng kanilang request para sa repatriation assistance mula sa pamahalaan matapos na mabakunahan kontra COVID-19.
Ayon pa kay Bello, sa 500,000 OFWs na humiling ng repatriation, nasa 60,000 na dito ang umatras dahil nabakunahan na ang mga ito. Hindi pa kasama sa listahang ito ang mga OFWs na frontliners sa England at Germany.
Sa kasalukuyan ay nasa 400,000 Filipino migrant workers na ang naiuwi sa bansa magmula nang magkaroon ng COVID-19 outbreak sa buong mundo.