Ni Kriztell Austria
NABABAHALA ang mga Canadian patungkol sa pag-atake sa demokrasya ng Amerika, ayon kay Prime Minister Justin Trudeau.
Nagpahatid naman ng suporta kay Joe Biden ang pangulo ng Argentina na si Alberto Fernandez at ‘wag palagpasin aniya ang kaguluhan na dulot ng mga nagpoprotesta.
Sinuportahan naman ni Iván Duque Márquez ang mga miyembro ng Kongreso.
Samantala, ayon naman kay Senator Chuck Schumer, hindi matatawag na nagpoprotesta ang mga sumugod kundi “domestic terrorist” at hindi aniya nila nirerepresenta ang Amerika.
Sa kabilang banda, isang babae ang patay matapos ang bayolenteng pagkuyog ng mga taga suporta ni Trump sa US Capitol.