Ni Marileth Antiola
MARAMI sa atin ang mahilig o may paboritong keso at hindi mabubuhay na walang kasamang keso ang mga kinakain o niluluto.
Napakaraming gamit ng keso sa pagkain kagaya ng spaghetti, embotido, pizza, cheese bread, mga burger, kaldereta, puto, minatamis na salad at nauusong mga mango graham float, palaman sa tinapay, nilalagay din sa lumpiang shanghai, cheese sticks at dynamite na masarap pampulutan, at marami pang iba.
Talaga namang napakaraming gamit ng keso sa mga putaheng ating inihahanda at niluluto sa ating hapag kainan at maging sa mga pagkain na pang negosyo.
Ginagamit din ito pang-akit sa mga daga upang mahuli agad, dahil isa ito sa paborito nilang kainin.
Napakarami rin ng uri ng keso kagaya ng cheddar cheese, American cheese, Monterey Jack cheese, gouda, Swiss, Parmesan cheese, mozzarella cheese, at marami pag iba.
Marami ring benepisyo ang keso na tiyak na susorpresa sa inyo lalo na sa mga taong mahilig dito. Dahil naglalaman ang keso ng isang mahusay na halaga ng protina, calcium, vitamin A at B, zinc at iba’t-ibang benepisyo nito na hindi lamang para sa kalusugan ngunit maging sa ating buhok at balat.
Ilan sa mga benepisyo ng keso ay ang sumusunod:
- Ito ay makakatulong sa pagpapatibay ng mga buto sa ating katawan, na lubos na para sa mga bata, mga matatanda, mga buntis at mga inang nagpapasuso dahil mainam ang keso sa pagpapalakas ng kanilang mga buto.
- Malaki rin ang pakinabang ng keso upang makaiwas sa kanser, dahil naglalaman ito ng conjugated linoleic acid na tumutulong sa pag-iwas sa kanser.
- Ang keso ay itinuturing na mainam sa ating balat, dahil ito ay naglalaman ng Vitamin B.
- Nakakatulong ang keso na gamutin ang sobrang pananakit ng ulo, dahil ito ay nagtataglay ng calcium.
- Mabuti rin ang keso sa ating immune system, dahil may positibong resulta ang dala nito upang makabawas ng sakit sa katawan.
Bukod pa sa mga nabanggit, mura ang keso kumpara sa ibang mga pagkain na makakatulong sa ating kalusugan.
Kulang ang ating hapag kainan kung walang keso de bola o anumang uri ng keso lalo na pagsasapit ang araw ng Pasko at kulang ang ating buhay kung walang keso.
Paalala lang, huwag araw-arawin ang pagkain ng keso dahil maalat ang ibang uri nito at dahil ang sobra ay maaring makasama sa iyong katawan at kalusugan.
Ika nga hindi lahat ng sobra ay mabuti.