Ni Justine Nazario
IBINALITA ni Asia’s Nightangale Lani Misalucha na nabingi na ang kanyang kanang tenga dahil sa bacterial meningitis sa tumama sa kanila ng asawa niya.
Sa instagram post ng singer, sinabi nito na nagkaroon sila ng bacterial meningitis noong Oktubre ng nakaraang taon na nagdulot ng hearing loss nito sa kanang tenga.
Bunsod nito, nangangailangan ang singer na gumamit ng hearing.
Sa video nito sa IG, pinakita niya ang ginagamit niyang hearing aid at paano ito gamitin.
Gayunpaman, sinabi ni Lani na “we are okey naman ngayon, but problem is yung bacterial meningitis na ‘yan ay iniwanan kami ng souvenir, at ang souvenir na ‘yon ay hearing loss at vestibular dysfunction.”
Samantala, nanatiling positibo sila Lani na magiging maayos at malalagpasan nila ang lahat.