Ni Karen David
MULING isinailalim sa general community quarantine o GCQ ang Laoag City sa Ilocos Norte.
Ito ay bunsod ng pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa lugar.
Isinailalim din sa total lockdown ang Barangay San Lorenzo at Caaoacan maging ang maraming sitio sa nasabing bayan.
Base sa pinakabagong datos ng local government, mayroon ang Laoag City ng 421 COVID-19 cases kung saan 124 dito ay active at 297 ang nakarekober na sa sakit.