Ni Karen David
UMARANGKADA na ang libreng drive-thru swab test o RT PCR test ng Maynila sa Quirino Grandstand ngayong araw.
Bukas ang drive thru testing center mula Lunes hanggang Biyernes, alas 8 ng umaga hanggang alas 12 ng tanghali.
Nasa 100 indibidwal naman ang maaring magpa-test kada araw, kahit hindi residente ng Maynila.
Sa mga nais magpaschedule sa swab test, maaring tumawag sa mga numero ng Manila Emergency Operations Center: 0905-242-333, 0998-322-6367, 0963-602-3177 at 0955-587-5976.