Ni Karen David
INANUNSYO ni Mayor Isko Moreno sa isinagawang flag ceremony sa Manila City Hall ngayong umaga na magtatayo ng storage facility ang lungsod para sa mga bibilhing bakuna kontra COVID-19.
Itatayo aniya ang naturang storage facility sa Sta. Ana Hospital.
Lumagda na rin ang alkalde ng mga dokumento para sa pagbili ng 12 refrigeration units na gagamitin sa pag-imbak ng COVID-19 vaccines at 50 units ng transport cooler bilang paghahanda sa darating na mga bakuna sa mga susunod na buwan.