Ni Pat Fulo
BINANTAAN ng Department of Agriculture (DA) ang mga mapagsamantalang trader ng mga gulay na nagiging dahilan ng pagtaas ng presyo nito sa merkado.
Babala ni DA Sec. William Dar, hahabulin nila ang mga traders na sobra kung magpatong ng presyo sa mga produktong ipinapasa sa mga nagbebenta.
Ani Dar, bagaman totoong naapektuhan ng mga bagyong tumama noong nakaraang taon ang mga presyo ng bilihin ngunit hindi naman dapat aniya kalakihan ang dagdag-presyo.
Dahil dito nagkasa na ng economic intelligence ang ahensya upang matunton at makasuhan ang mga unscrupulous o profiteers traders.
Plano rin ng ahensya na padamihin ang suplay sa mga palengke upang mapababa ang mga presyo ng bilihin.