Ni Pat Fulo
IPINALIWANAG ni Dr. Lulu Bravo ng Philippine Foundation for Vaccination na posible pa rin madapuan ng COVID-19 ang mga indibidwal na nabakunahan na kontra dito.
Paliwanag ni Dr. Bravo, walang anumang bakuna ang mayroong 100% efficacy rate. Ibig sabihin, may porsiyento pa rin na hindi nito mapipigilan ang sakit.
Bukod dito, inihayag din ni Dr. Bravo na ang COVID-19 inoculation ay maaring maapektuhan ng iba pang factors gaya ng temperature control issues.
Nauna naman inabiso ng US Center for Disease Control ang prevention na karaniwang kinakailangan ng ilang linggo bago makabuo ng immunity ang isang bakuna laban sa COVID-19.
Kaya naman, maari pa ring magkaroon ng sakit ang isang indibidwal na nadapuan ng virus bago o wala pang ilang araw o linggo pagkatapos ng vaccination.
Ito ay dahil hindi nabigyan ng sapat na pagkakataon ang bakunang makapagbigay ng proteksyon.
Kaya naman patuloy na pinaaalahanan ang publiko sa kahalagahan ng pagsunod sa minimum health standards kahit na sa pagdating ng bakuna.