Ni Justine Nazario
MULI na namang nabubuhay ang hope para sa mga fans ng JaDine matapos makitang magkasama ang dalawa sa isang hiking kasama ang kanilang mga kaibigan.
Sa Instagram post ni James Reid makikita na kasama nito ang mga kaibigan na umaakyat ng bundok at sa isang larawan makikita si Nadine na naka-peace sign.
Magugunita na bali-balitang nagbalikan na ang dalawa pero hindi pa nila ito kinumpirma.
Gayunpaman, kahit ano ang desisyon ng dalawa ay masaya at suportado ito ng mga fans.