Ni Arjay Adan
MAS paiigtingin ng National Bureau of Investigation (NBI) at Office of Cybercrime ng Department of Justice ang crackdown nito sa lahat ng klase ng online human trafficking.
Sinabi ng DOJ na nakatanggap ito ng ulat na nag-aalok umano ang mga estudyante ng “Christmas sale” ng mga malalaswang litrato at video ng mga ito upang magkaroon ang mga ito ng pera pambili ng gadgets para sa distance learning.
Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na mas paiigtingin ng cybercrime division ng NBI at ng OOC upang matunton at maparusahan ang mga indibidwal at sindikato na sangkot sa human trafficking activities sa bansa.
Simula Marso 1 hanggang Mayo 24 noong nakaraang taon, nakapagtala na ang DOJ-OOC ng pagtaas sa 264.63 percent o higit sa 202,605 na insidente ng Online Sexual Exploitation of Children o OSEC sa bansa.
Nagparating din ng pagka-alarma si Senator Sherwin Gatchalian at sinabing maaaring maharap ang mga estudyanteng ito sa abuso at panganib at dapat itong itigil ng pamahalaan.