Ni Kriztell Austria
NAGSAGAWA ng diskusyon ang North Korea patungkol sa relasyon nito sa South Korea at pagpapalawig ng foreign relations dalawang linggo bago maluklok si U.S. President Joe Biden.
Pinag-usapan sa pagpupulong ang paghubog nito sa relasyon sa South Korea dahil na rin sa sitwasyon na kinakaharap ng bansa at sa pagbabago ng panahon.
Matatandaang inamin ni North Korean Leader Kim Jong Un na palpak ang economic plan nito.
Samantala, kabilang din sa tinalakay ang foreign policy nito kung saan nangako si Kim Jong Un na palalawigin nito ang foreign relations ng bansa.
Bukod dito, nasabi rin sa pagpupulong na bubuwagin na ng North Korea ang nuclear at missile program kapalit ang U.S. sanction relief.