Ni Vhal Divinagracia
ITO ang kinumpirma ni PNP-Internal Affairs Service Inspector General Atty. Alfegar Triambulo sa panayam ng Sonshine Radio kaugnay sa pagkaka-dismiss ni Police Staff Sergeant Jonel Nuezca mula sa pagiging pulis matapos itong namaslang ng mag-ina sa Paniqui, Tarlac noong Disyembre 20, 2020.
Kasunod ng pagkaka-dismiss ani Atty. Triambulo, mawawalan na ng kakayahan si Nuezca na ma-employ pa ng kahit anong trabaho sa gobyerno.
Samantala, nilinaw naman ni Atty. Triambulo na may ten days pang palugit si Nuezca para maghain ng motion for reconsideration.
Kahapon, January 11 nang tuluyan nang ma-dismiss sa trabaho si Nuezca.