Ni Vhal Divinagracia
ISINUSULONG ngayon ni Atty. Brick Reyes, ang spokesperson ng Dacera family na i-revise ang Anti-Rape Law ng bansa.
Ayon kay Atty. Reyes sa panayam ng Sonshine Radio, gusto nitong palakasin ang proseso at pag-imbestiga ng nasabing batas.
Kaugnay parin aniya ito sa nangyaring pagkamatay ni Christine Dacera.
Ibinahagi naman ni Atty. Reyes na suportado ng ilang mambabatas matapos ito ng interes na amyendahan ang nasabing batas.
Sa huli, ang pinaka-layunin aniya ng pamilya Dacera ang matukoy at makilala ang lahat ng indibidwal na naging kasama ni Christine sa naging yearend party nito sa City Gardens Grand Hotel noong December 31.
Samantala, isang fatal error ang ginawa ni PNP Medico-Legal Officer Michael Nick Sarmiento sa pag-embalsamo muna bago ang pag-autopsy sa labi ng namatay na flight attendant na si Christine Dacera.
Ito ang ipinahayag ni Atty. Brick Reyes, ang spokesperson ng Dacera family sa panayam ng Sonshine Radio.
Nakakapagtataka aniya dahil hindi maipaliwanag ni Sarmiento ang ginawa nyang proseso sa pag-imbestiga.
Ang mas nakakapagtataka pa ani Atty. Reyes, para aniyang may cover-up sa panig ng embalment at imbestigasyon.
Dahil dito, nagrequest ang pamilya Dacera na i-autopsy ulit ang labi ng namatay na Philippine Airlines flight attendant na si Christine Dacera.
Ngayon, sa pagpapatuloy ng imbestigasyon, may body fluids aniyang nakuha ang National Bureau of Investigation o NBI na syang makakatulong sa kaso.
Samantala, napag-alaman din ng pamilyang Dacera na hindi lang labing-isa ang kabuoang taong andun sa room 2207 at 2209 ng nasabing hotel.
Ayon kay Atty. Reyes, labing-anim ang mga indibidwal na kasama ni Christine batay sa nakalap na impormasyon ng NBI.