Ni Arjay Adan
IPAGPAPATULOY ng lokal na pamahalaan ng Baguio City ang taunang Panagbenga o Baguio Flower Festival nito sa susunod na buwan upang matulungang kumita ang local tourism dito.
Sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na pinahintulutan niya ang pagdaraos ng limitadong events sa pista maliban na lamang ang street dancing at float parades na highlights ng pagdiriwang.
Ang hindi pagsasagawa ng pangunahing atraksyon sa Panagbenga ay parte ng aksyon upang maiwasan ang maramihang pagtitipon at mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Matatandaan na dahil sa pagpapaliban ng ika-25 edisyon ng flower festival at iba pang summer activities sa syudad dahil sa pandemya ay nagresulta sa pagkalugi ng local tourism industry ng hindi bababa sa 1.6 bilyong piso.