Ni Vhal Divinagracia
IPINAHAYAG ni National Capital Region Police Office o NCRPO Chief Police Brigadier Vicente Danao sa panayam ng Sonshine Radio na patuloy silang nangangalap ng ebidensiya kahit hindi susuporta sa nauna nilang inihaing kaso na rape-slay.
Dagdag pa ni Danao, binigyan sila ng piskal ng dalawa pang linggo hanggang Enero 27 para mangalap pa ng ebidensya.
Kaugnay nito, hinihikayat ni Danao na kung sino pa ang ahensyang gustong magsagawa ng pag-iimbestiga sa Dacera case ay welcome namang tumulong.
Samantala, isang senyales ng pagiging guilty ang pag-alis ng bansa ng isang person of interest sa Dacera case.
Ani Danao, kung wala ka namang kasalanan ay walang dapat ikatakot. Kaugnay ito sa isang napaulat na person of interest na umano’y tumakas papuntang ibang bansa.