Ni Vic Tahud
UMABOT na sa 475,612 ang kabuoang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 virus matapos nakapagtala ang Department of Health ng 7, 729 panibagong recoveries.
Ayon sa latest bulletin ng DOH, nagkaroon din ng 1,949 bagong kaso ng COVID-19 at 53 bagong nasawi.
Sa ngayon, nasa 27, 765 pa ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa habang nasa 10, 242 ang kabuoang bilang ng mga nasawi sanhi ng COVID-19 sa Pilipinas.
Nangunguna naman ang Davao City sa may pinaka-maraming bilang ng bagong kaso ng COVID-19 na umabot sa siyamnapu’t siyam. Sinundan ito ng Quezon City-98, Cavite-74, Bagiuo City-73 at Leyte-63.