Ni Vhal Divinagracia
DAPAT ngang buwagin na ang partylist system.
Ito ang naging pahayag ni former Senate President Juan Ponce Enrile sa panayam ng Sonshine Radio.
Ani Enrile, kaya nilagay ang partylist system noong 1986 ay para makapasok ang mga hindi dapat sa gobyerno at ma-penetrate nito.
Matatandaang noong Huwebes ay pinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na buwagin o baguhin nina Senate President Vicente Sotto III ang partylist system ng bansa.
Ang nasabing hakbang ay para maproteksyonan ang pamahalaan mula sa inpiltrasyon ng mga makakaliwang grupo.