Ni Karen David
MAS palalawakin pa ng Philippine Coast Guard ang kanilang presensya sa mga kalsada sa Metro Manila sa mga susunod na araw.
Ito ay upang tumulong sa Inter-Agency Council for Traffic (IACT) sa pagpapatupad ng mga batas trapiko para sa kaligtasan ng mga motorista at biyahero araw-araw.
Ngayong araw, pormal na tinurn-over ng PCG sa I-ACT ang karagdagang 39 na coast guard personnel na kabilang sa 463 recruit na nakatapos ng Basic Coast Guardsman Training Course sa PCG Regional Training Center sa Laguindingan, Misamis Oriental noong Oktubre 2020.