Ni Pat Fulo
PLANONG palakasin ngayon ng Department of Education o DepEd ang pagtataguyod ng peace-building initiatives sa mga eskwelahang nasa conflited at vulnerable communities.
Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, bahagi ito ng pagsusumikap ng kagawaran na mapangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga mag-aaral at bumuo ng ligtas at conflict sensitive learning na pasilidid para sa mga ito.
Sa tulong ng UNICEF Philippines, nagsagawa ang DepEd-Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS) ng pag-aaral sa mga eskwelahan at komunidad na nasa armed conflict situations.
Bahagi nito ang mga ikakasang peace-building practices at initiatives upang maitatag bilang zones of peace ang mga eskwelahan.