Ni Vhal Divinagracia
TINIYAK ni PNP ASCOTF commander Police Lieutenant Gen. Guillermo Eleazar na magkakaroon rin ng priority list ng mga unit ng PNP na unang mababakunahan laban sa COVID-19 virus.
Matatandaang panglimang priority ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police para sa vaccination program.
Hindi naman nilinaw ni Eleazar kung magiging mandatory o voluntary ang pagpapabakuna ng mga pulis.