Ni Vhal Divinagracia
BINIGYANG-DIIN ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) Head Arsenio Evangelista sa panayam ng Sonshine Radio na hindi obligadong magbigay agad ng konklusyon sa Dacera case ang mga nag-iimbestiga dito.
Ito’y kasunod sa medyo minadali na prosesong isinagawa ng Philippine National Police sa pag-imbestiga ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.
Ngayon ani Evangelista, suportado nila ang pagtulong ng NBI para mas mapalalim pa ang imbestigasyon sa kaso.
Nilinaw naman ni Evangelista na hindi nila minamaliit ang PNP kundi nirerespeto lang nila ang parrallel investigation na hinihingi ng pamilyang naiwan ni Dacera.