Ni Pat Fulo
NANANAWAGAN ang Associated Labor Unions (ALU) kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagpapatupad ng price freeze sa mga basic commodities.
Sa ipinadalang liham ng ALU sa Pangulo, umapela rin ang grupo na habulin ang mga mapagsamantalang hoarders at price manipulators upang makasuhan.
Hinimok din ng grupo ang pagpapakalat ng maraming diskwento caravan at Kadiwa rolling store na may abot-kayang presyo ng bilihin sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Paliwanag ng ALU, lubha nang naapektuhan ang mga minimum wage earners dahil sa hindi karaniwang pagtaas ng presyo ng bilihin at pagkain.
Hindi rin ito naniniwala sa sobrang pagtaas ng mga presyo ng bilihin.