Ni Vic Tahud
UPANG maging transparent sa ginagawang transaksyon hinggil sa COVID-19 vaccine deal, inatasan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr. na ilahad kay Sen. Vicente “Tito” Sotto III ang tungkol dito.
Ito ay ayon kay Sen. Christopher Bong Go.
Magugunitang inihayag ni Sec. Galvez na ‘di niya maaring sabihin ang presyo ng mga bakuna dahil maaring mawala sa atin ang 148-M doses ng COVID-19.
Ani Galvez, ito ay dahil sa confidentiality disclosure agreements.
Ngayong biyernes, nakatakda ang muling pagdinig ng Senate Committee of the Whole on COVID-19 Immunization Program ng gobyerno.