Ni Kriztell Austria
Ayon kay Russian President Vladimir Putin, sisimulan na ng bansa ang masss vaccination nito sa susunod na linggo.
Bukod dito ay sinabi rin ni Deputy Prime Minister Tatyana Golikoya na handa na sa Lunes ang pagsasagawa ng mass vaccination sa bansa.
Nagpasalamat naman si Putin dahil hindi na kailangan pa ng matinding kondisyon para sa transportasyon ng bakuna.
Matatandaang nitong Disyembre 2020, sinimulan na ng bansa ang pagbabakuna kahit na nasa 3rd phase pa lang ng clinical trial ang naturang bakuna.