Ni Kriztell Austria
NAKAPAGTALA ng temperaturang -25C ang Spain matapos ang matinding snowstorm nitong weekend.
Nasa pitong katao na ang patay dahil sa lagay ng panahon sa bansa.
Dahil dito, nagbabala ang mga opisyal sa mga matatanda na manatili na lamang sa kanilang tahanan.
Samantala, naantala rin ang transportasyon sa bansa dahil sa hindi pangkaraniwan na dami ng niyebe.