Ni Vhal Divinagracia
TINIYAK ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na may sapat na cold storage ang Pilipinas para sa darating na COVID-19 vaccines.
Ayon kay Vergeire, tutulong ang Unilab at Zuellig sa pamamagitan ng pagbigay daan sa pamahalaan na gamitin ang kanilang storage facilities.
May cold storage facilities naman din aniya ang Research Institute for Tropical Medicine at ang lahat na mga regional offices nito.
Sa katunayan ani Vergeire, binisita na ito nina Secretary Carlito Galvez Jr. at Secretary Francisco Duque III.