Ni Kriztell Austria
NAG-ANUNSIYO ang White House na tatanggalin na ang travel ban nito sa UK sa Enero a-26, anim na araw pagkatapos ng pagluklok ni Biden.
Ayon sa spokesperson ni Biden na si Jen Psaki, hindi ngayon ang tamang panahon para alisin ang paghihigpit sa travel measures.
Ilang minuto matapos mag-isyu ng kautusan si President Trump, nagtweet si Psaki kung saan sinabi nito na isa sa abiso sa kanila ng medical team, hindi maaaring tanggalin ng administrasyon ang restriksyon sa Enero a-26.
Dagdag pa ni Psaki, sa katunayan ay nagpaplano sila na pagtibayin ang public health measures sa international travel upang maibsan ang pagkalat ng COVID-19.