Ni Kriztell Austria
PINIRMAHAN na ni US President Joe Biden ang 17 executive actions sa unang araw ng pagkakaluklok nito bilang bagong pangulo ng US, kung saan 15 sa mga ito ay executive orders.
Kabilang dito ang muling pag-anib ng United States sa Paris Climate Agreement at pagtigil sa travel ban mula sa mga Muslim-majority na bansa.
Bukod dito, pinirmahan din ni Biden ang pagtigil ng Declaration of National Emergency, kung saan ginamit ang declaration na ito bilang rason upang magtayo ng US-Mexico border.
Nagpirma rin si Biden patungkol sa pagsugpo ng COVID-19 sa bansa, kabilang dito ang order na mandatory wearing of mask, social distancing, at paglikha ng posisyon para sa COVID-19 response coordinator.