Ni Vic Tahud
INIHAYAG ni National Policy Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na maisasapinal na ang supply agreements ng mga bakuna sa huling linggo ng Enero o di kaya sa unang linggo ng Pebrero.
Dagdag pa ni Galvez, ngayong batid na ng gobyerno ang indicative date ng delivery ng mga bakuna, magkakaroon na ng final rundowns at rehearsals.
Bukod pa rito, nakikipag-coordinate na ang national government sa mga lokal na pamahalaan upang magkaroon ng synchronize campaign sa bansa.
Titiyakin din ni Galvez na hindi maantala ang delivery ng mga bakuna mula sa pagdating nito hanggang sa mga warehouse patungo sa mga lokal na pamahalaan.
Pahayag ni Galvez, hindi pa niya maaring sabihin ang lahat ng impormasyon tungkol sa bakuna dahil sa confidential disclosure agreement ng gobyerno at kumpanya ng bakuna.