Ni Melrose Manuel
MAYROONG bagong mutation ng COVID-19 ang samples mula sa Region 7 na isinailalim sa genome sequencing ang na-detect ng Department of Health (DOH).
Ayon sa DOH, na-detect nila ang N5-01Y AT A4-84G mutation mula sa isinagawang ika-anim at ika-pitong genome sequencing.
Umaabot naman sa 34 ang naitala nilang kaso ng dalawang mutation mula sa Central Visayas.
Sa ngayon, inalerto na ang mga local government unit para sa gagawing contact tracing at nagsagawa na ng imbestigasyon ang DOH-Visayas sa nasabing mutation.
Nakatakda namang isumite ng DOH sa WHO ang nakitang mutation kung saan nilinaw ng DOH na hindi pa masabing bagong variants ito ng COVID-19.