Ni Vhal Divinagracia
NAGPALABAS ang lokal na pamahalaan ng Manila ng 38.4 million pesos para sa inisyal na bayad ng COVID-19 vaccines mula sa AstraZeneca.
Ang naturang pondo ay sasapat para sa 800, 000 doses ng bakuna na syang kakasya naman para sa 400, 000 katao ng lungsod.
Ayon sa Manila LGU, hanggang February 18 ay aabot na sa 88, 000 ang nagparehistro sa pagpapabakuna.
Ayon naman kay Manila Mayor Isko Moreno, nakahanda sya na unang magpabakuna para sa ikakampante ng kaniyang mga nasasakupan.