Ni Karen David
IPINAHAYAG ni PHIVOLCS Director Renato Solidum Jr., 69 tremor ang naitala sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras kasabay ng pag-iinit at pagiging acidic ng main crater lake.
Nanatili pa rin sa alert level 1 ang bulkan.
Sinabi ni Solidum na ang nasabing mga aktibidad ay bunsod ng pagtaas ng temperatura ng tubig sa ilalim ng Taal Volcano Island.
Dahil aniya may gas at acidic component sa tubig, may posibilidad na magkaroon ng phreatic eruption o steam-driven.
Dahil dito, iginiit ng PHIVOLCS director na nananatiling mapanganib sa Taal Volcano Island.
Kahapon nang pwersahang inilikas ang nasa 60 residente ng isla kasunod ng seismic activities na naitala sa bulkan.