Ni Arjay Adan
MAKAKAKUHA ng buwanang food subsidy ang nasa 700,000 pamilya sa Maynila sa ilalim ng COVID-19 Food Security Program (FSP).
Ang naturang proyekto ay inilunsad ni Mayor Francisko “Isko Moreno” Domagoso.
Kabilang sa mga subsidiya ang tatlong kilo ng bigas, 16 canned goods at walong sachet ng kape.
Sa ngayon ay nasa 3 bilyong piso na ang inilaan para sa nasabing programa.
Sinabi ni Moreno na pagsusumikapan nila na walang pamilya ang magugutom sa lungsod at umaasa siya na hindi mahihirapan ang mga residente ng kanyang lungsod sa mga susunod na buwan.
Tinitiyak din ng alkalde sa publiko na magpapatuloy pa rin ang house projects ng lungsod sa kabila ng pandemya.