Ni Vic Tahud
IPINAG-UTOS ni Pangulong Duterte ang agarang pamamahagi ng lupa sa mga dating rebelde ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Ayon pa kay Sec. Nograles, nakatakdang ipamahagi ng pamahalaan ang aabot sa 6,406.6 hectares na mga lupa sa mga dating rebelde.
Dagdag pa ni Nograles, ang pamamahagi ng lupa ay may malaking tulong sa layunin ng gobyerno na magkaroon ng kapayapaan ang bansa.