Ni Arjay Adan
MATAPOS mawalan ng aksyon si Philippine Volleyball Superstar Alyssa Valdez simula nang magsimula ang COVID-19 pandemic ay sabik na ito sa pagbabalik ng volleyball games ngayong taon.
Ayon kay Valdez, masaya siya sa muling pagbabalik ng mga volleyball games at umaasa siya na tutulong ang Philippine National Volleyball Federation o ang PNVFI upang ipagpatuloy ito.
Nakatakdang idaos ang Maiden Professional Season ng PVL sa isang bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.