Ni Justine Nazario
NATATAWANG ibinuking ni host-actor Andre Paras ang kanyang ama na nahihirapang gumamit at sumabay sa paggamit ng makabagong teknolohiya.
Sa virtual presscon ng comedy game show na Game of Gens kung saan host si Andre ay tinanong siya kung may mga naranasan ba siyang challenges sa ibang tao dahil nagmula sa magkaibang generation.
Hindi nagdalawang isip si Andre na ibunyag ang kanyang ama. Ayon kay Andre hanggang ngayon ay hindi pa rin marunong mag-zoom ang ama.
Saad pa ni Andre””yung ano lang… meeting ID, password, hindi pa niya magawa.”My gosh, dad!”
Naaliw naman ang netizens sa ibinuyag ni Andre at may iba namang nagsabing mahirap talagang makisabay sa bilis ng pagbabago ng teknolohiya lalo na sa mga matatanda na.