Ni Justine Nazario
NAGSALITA na ang asawa ni comedian Michael V. na si Carol Bunagan sa kumakalat na naman na balita na patay na ang asawa nito.
Wika pa ni Carol, “Ano kaya napapala ng mga gumagawa ng ganitong fake news? Kaawaan sana kayo ng Diyos.”
Dagdag pa nito na nakakadismaya ang mga ganitong uring lakaran para lamang dumami ang followers at likes.
Magugunita na hindi ito ang unang beses na nabiktima ang comedian ng death hoax.
Sa katunayan ay nangyari na ito sa kanya nitong nakaraang taon na kasagsagan nang magpositibo siya sa COVID-19.
Gayunpaman, hinimok ni Carol ang lahat na huwag agad maniniwala sa mga ganitong uri ng balita.