Ni Karen David
ISA na lamang low pressure area (LPA) ang dating Bagyong Auring na may international name na Dujuan ayon sa PAGASA.
Kumikilos ang LPA patungong Eastern Coast ng Albay.
Sa 2pm Severe Weather Bulletin ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa coastal waters ng Rapu-Rapu, Albay.
Inalis na rin ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 na itinaas sa ilang lugar sa bansa.
Ayon sa weather bureau na patuloy na magdadala ang Northeast Monsoon ng strong breeze conditions sa Batanes, Babuyan Islands, Aurora, at Quezon.