Ni Vic Tahud
PINABULAANAN ng Coalition for Security Towards Peace (CSTP) ang akusasyon ng mga maka-kaliwang grupo na hindi anila kinonsulta ng author ng Anti-Terror Law ang iba’t ibang sektor.
Ito mismo ang inihayag ni CSTP Lead Convener and Executive Director Atty. Frederick Mikhail “Spocky” I. Farolan.
“Kami po ang isa sa pinaka-aktibo na tumulong sa pagsulat ng batas na ‘yan, mula sa mga tanggapan ng mga senador at Congressmen, mula sa isang empty paper hanggang maipasa siya sa batas,” ani Farolan.
Dagdag pa ni Farolan, sa ngayon, nakikipag-ugnayan ang nasabing grupo sa iba’t ibang sektor upang mas lalong maunawaan ang nasabing batas.
Samantala, ayon kay Atty. Farolan, hindi convincing ang mga pahayag ng mga abogado ng mga petitioner ng Anti-Terror Law. Aniya, may kakulangan ang mga ito sa pananaliksik.
Aniya, ang Korte Suprema ay hindi madala sa emosyon kundi sa mga totoong mga pangyayari sa bansa tungkol sa kapapasa lamang ng nasabing batas.