Ni Vhal Divinagracia
NAIS ipagpatuloy ng Department of Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Estados Unidos.
Ito ay kasabay sa paglilinaw na hindi ito nagsisilbing pangontra sa China.
Ang VFA ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana ay isang kasunduan na simula noong 1999 kung saan hindi pa inaangkin ng China ang South China Sea o West Philippine Sea.
Magugunitang ang VFA ay isang kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa bilang pagsuporta sa Mutual Defense Treaty o MDT.
Ang MDT naman ay naitatag noong 1951 sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos kung saan isa itong kasunduan bilang pagsuporta kung sakaling may pag-atake na isasagawa ang ibang bansa.