Ni Vhal Divinagracia
IPINAHAYAG ni Marikina Mayor Marcy Teodoro na ang paghuhukay sa Marikina River ay nakakatulong para mapalawak at mapalalim ang ilog at hindi na ito aapaw.
Ibinahagi naman ng Department of Environment and Natural Resources o DENR na may dalawampu’t pitong ektarya sa paligid ng Marikina River na illegally-reclaimed at ito ang umaambag para mabawasan ang kakayahan ng ilog na sumipsip ng tubig tuwing tag-ulan.
Samantala, plano rin ni Teodoro na magtanim ng kawayan sa ilog bilang tulong na rin para maiwasan ang matinding baha.
Sa ngayon, isang taskforce na binubuo ng lokal na pamahalaan ng Marikina, Metropolitan Manila Development Authority MMDA, Department of Environment and Natural Resources o DENR at Department of Public Works and Highways o DPWH para sa nasabing restorasyon ng Marikina River.