Ni Arjay Adan
BILANG parte ng priority programs ng Department of Trade and Industry (DTI) Central Luzon sa taong ito, magpapatuloy ang mga isinasagawang trade fairs.
Ayon kay DTI OIC-Regional Director Leonila Baluyut na layon nito na masuportahan ang micro at small enterprises sa rehiyon upang madagdagan ang kita nito at makapagbigay ng income at employment sa mga probinsya.
Aniya, sa pamamagitan ng pakikilahok sa iba’t ibang mga trade fairs, online o pisikal man, masisiguro nila na ang mga micro, small at medium enterprises (MSMEs) ay patuloy na kikita upang masustentuhan ang kanilang operasyon.
Sinabi ng opisyal na sa taong ito, ang regional office at pito nitong provincial offices ay nakatakdang makilahok sa hindi bababa ng 19 trade fairs kabilang na ang pinaka inaabangang ika-23 na likha ng Central Luzon trade fair.
Sinabi rin na Baluyut na upang maihanda ang mga MSMEs sa new normal course ng transacting, inihahanda ng ahensya ang e-commerce sa pamamagitan ng pagsasanay at pag-uugnay nito sa mga sikat na online selling platforms.