Ni Eyesha N. Endar
DAPAT pag-aralan at planuhin ng mga negosyante ang pagbuo ng matibay at epektibong marketing plan na lubhang kailangan sa pagnenegosyo.
Kahit maliit pa lang ang negosyo, maraming paraan upang ipakilala ito tulad ng pamimigay ng fyers na nakalagay ang kumpletong detalye ng produkto at contact number.
Maganda at epektibong paraan din ang ‘social media’ sa pagkuha ng maraming kustomer. Kaya payo ng mga negosyante, mahalaga na pagtuunan ang online marketing.
Narito ang mahahalagang tips sa pagpapaunlad ng negosyo:
- Pagpapaalam sa mga kustomer kung anong serbisyo at produkto ang kayang ibigay ng iyong kumpanya.
- Maglaan ng panahon upang alamin kung sino ang target audience. Kung ang negosyo ba ay pangmasa, middle-class o pangmayaman?
- Pahalagahan ang pagkakaroon ng layunin at gawin itong makabuluhan, specific at may time table tulad ng pagkakaroon ng malaking kita at mga bagong kustomer.
- Alamin ang magiging mga kakompetensiya. Kung anong produkto ang dapat itinda, na wala sa iba para tangkilikin ng mga mamimili.
- Magbigay ng tamang presyo ngunit siguraduhing hindi malulugi (dapat tandaan na nagnegosyo ka para kumita).
- Maglaan ng budget para sa marketing. Palaging mag-isip ng paraan kung paano tataas ang sales.
- Imbitahin ang mga kaibigan at kapitbahay upang ipakita ang mga produkto. Gumawa ng gimik na makatawag-pansin sa mga mamimili na hindi lampas sa iyong marketing budget.
- Kailangan may time table ang lahat ng iyong hakbang. Ngunit maging realistic para hindi mabigo sa iyong mga inaasahan. Huwag gumawa ng goal na hindi kaya.
- Maging responsable sa lahat ng mga nagawang plano upang maiwasan ang pagkabigo.
At siguraduhin ang tamang implementasyon sa lahat ng nagawang mga plano upang makamit ang desired goal.