Ni Vic Tahud
NADARAGDAGAN at umunlad pa ang health system capacity ng bansa, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque sa regular press briefing ng Palasyo.
Aniya, “Ang total bed capacity po natin ay 23% of authorized bed capacity. Ang war beds po natin nasa 7, 298, nadagdagan po ng 34. Ang isolation beds- 15,848, nadagdagan po ng 444 at ang ICU beds natin ay 2, 047, nadagdagan po ng 90 beds. Ang ating mechanical ventilators po ay 2,031, nadagdagan po ng 45 units.”
Dagdag pa ni Roque, pagdating sa isolation, umabot na sa 11,548 ang temporary treatment and monitoring facilities sa buong bansa. Sa Luzon-2,361, NCR- 4,788, Visayas- 56, 705 at sa Mindanao – 3, 031.
Dagdag pa ni Roque, sa ngayon nasa 199 na ang COVID-19 laboratory sa buong bansa.
Umabot na rin sa mahigit 6.8 million ang accumulative number of conducted test.