Ni Kriztell Austria
SA botong 56 – 44, natuloy na ang pangalawang impeachment trial ni former US President Donald Trump.
Pinasimulan ng house impeachment managers ang argumento patungkol sa impeachment ni Trump sa pamamagitan ng pagpapanood ng video tungkol sa nangyaring karahasan sa US Capitol.
“And if you don’t fight like hell, you’re not going to have a country anymore.”
Ito ang sinabi ni Trump sa mga taga-suporta nito.
Kasunod nito, inakusahan si Trump ng “inciting insurrection” kaugnay ng kaguluhan na simiklab sa US Capitol nitong nakaraang Enero a-6 2021.